DINALA ng Department of Budget and Development (DBM), sa pangunguna ni Secretary Amenah Pangandaman, ang Dugtong Buhay Movement Bloodletting Program sa La Union nitong ika-8 ng Oktubre 2024.

Ang Dugtong Buhay Movement ay inisyatiba ni Secretary Mina, sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross (PRC) at Philippine Coast Guard (PCG), na layong makalikom ng mga donasyong dugo para sa ating mga kababayang nangangailangan nito.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Sec. Mina ang aktibidad na ito ay sumasalamin sa sama-samang hangarin ng mga ahensya na magbigay ng pag-asa sa maraming buhay.
“When we donate, we are not just giving our time; we offer hope and strength to those in dire need,” ayon sa Budget Secretary.
“I urge you to embrace the spirit of volunteerism, cherish the power of collaboration, and let compassion guide our actions. Together, we can save lives,” dagdag nito.
Si Sec. Mina rin ang unang kalihim ng bansa na nakabisita sa Navy Camp na pinagdausan ng bloodletting activity.

Nasa 230 na volunteers mula PCG, Philippine National Police, Philippine Navy, Philippines Army, Philippines Airforce, La Union Provincial Government, at DBM Regional Office 1 ang nagbahagi ng kanilang dugo.