BILANG paghahanda para sa paparating na Undas, ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ay puspusan na sa pagsasaayos at paglilinis sa mga sementeryo.
Taun-taon ay ipinapaalala at personal na pinangangasiwaan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro ang paghahanda ng lungsod sa panahon ng Undas. Ito ay upang masiguro na organisado, mapayapa, at ligtas ang pagpapatupad ng mga aktibidad sa panahong ito.
Nagpasalamat din si Mayor Marcy sa patuloy na pakikiisa at pagtutulungan ng mga taga lungsod upang mapanatiling mapayapa at maayos ang taunang paggunita sa mga namayapa. (JEG/PIA-NCR)