30.3 C
Manila
Linggo, Hunyo 15, 2025

Mga nagsipagtapos sa graduate school, hinimok ni Tolentino para tumulong sa pagpilii ng mahuhusay na lider

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang daan-daang nagsipagtapos sa graduate school na tulungan ang mga botante sa pagpili ng mahuhusay na lider sa gaganaping halalan sa susunod na taon.

Ito ang buod ng mensahe ni Tolentino sa kanyang talumpati sa ika-45 commencement exercises ng graduate school program ng University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD).

“Maging boses ng karunungan, katotohanan at pag-asa ngayong pipiling muli ang ating bansa ng mga susunod na lider,” sinabi ni Tolentino sa pagtatapos na isinagawa sa lungsod ng Pasay.

“Panahon na para magpakatotoo tayo sa ating sarili, sa susunod na henerasyon, at sa Republika ng Pilipinas,” diin pa nya.

Ayon kay Tolentino, na mayroong apat na post-graduate degrees, batid nya ang hirap at disiplina na kailangang bunuin ng isang graduate student para maging dalubhasa sa kanyang disiplina.

“Marahil, marami sa inyo ang mayroon nang mga anak, propesyon, o negosyo. Hindi birong magpatuloy mag-aaral habang may ganitong mabibigat na responsibilidad,” aniya.

Dagdag nya, kaakibat ng mataas na karunungan ang mas malaking responsibilidad sa lipunan, lalo na’t nahaharap sa isang kritikal na yugto ang bansa.

“Ituring natin ang darating na halalan bilang pagkakataon para magabayan natin ang ating mga kababayan sa pagpili ng mga karapat-dapat na lider,” ayon kay Tolentino. Kasama na rito, aniya, ang pagsuri sa integridad, kakayahan at plataporma ng bawat kandidato.

“Tulungan n’yo ang mga kapwa nating botante na pumili ng mga lider na may integridad at kakayahan, at uunahin ang kapakanan ng bansa sa pansariling interes,” pagtatapos nya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -