MULA nang maitatag ito mahigit isang siglo na ang nakararaan, ang Senado ng Pilipinas ay naging sandigan ng bawat Pilipino sa bawat pagsubok, pagbangon, at tagumpay.
Sa paggunita ng ika-108 anibersaryo ng Senado, halina’t tunghayan ang isang four-part mini documentary series ngayong Oktubre. Tuklasin ang mga kwento at diwa ng mataas na kapulungan ng lehislatura, at kung paano ang mga tagumpay ng Senado ay nagsisilbing tagumpay ng bawat Pilipino.