PUMIRMA ang Philippine National Bank (PNB) ng Pledge of Commitment sa ilalim ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Piso Caravan Program para maging isang Currency Exchange Center (CEC) noong ika-23 ng Setyembre 2024 sa Butuan City.

Pinangunahan ang paglulunsad nina PNB Mindanao Area Head Grace Gaborno, BSP Butuan Branch Acting Area Director Elren Samonte at BSP Currency Operations Division Manager Margie Marte.
Bilang isang CEC, mayroong nakatalagang currency exchange counter ang iba’t ibang branch ng PNB sa Caraga Region kung saan pwedeng magpapalit ang publiko ng marurumi (unfit) at sira-sirang* (mutilated) pera ng bagong (fit) salapi. Kabilang sa mga PNB branch na may currency exchange counter ay ang Agusan del Sur-San Francisco, Agusan del Sur-Bayugan City, Butuan City-Montilla, Butuan City-J.C. Aquino, Siargao Island-Dapa, Surigao City-Rizal, Surigao del Sur-Bislig City at Surigao del Sur-Tandag City.
Isinusulong ng programa ang BSP Clean Note and Coin Policy at Coin Recirculation Program na layuning siguraduhin na malilinis na pera ang nasa sirkulasyon.
Para sa BSP-supervised financial institutions at ibang mga organisasyon na nais makibahagi sa Piso Caravan Program, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na BSP regional office o branch sa inyong lugar.
Listahan ng BSP regional offices at branches: https://bit.ly/robbsp
*Susuriin ang pera base sa 3S (size, signature at security thread) na pamantayan ng BSP.