29 C
Manila
Sabado, Hulyo 4, 2026

PBBM, Canadian PM Carney muling pinagtibay ang pangakong tapusin ang usapin sa free trade agreement

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING pinagtibay ng Pilipinas at Canada ang kanilang pangakong tapusin ang negosasyon para sa isang Free Trade Agreement (FTA) ngayong taon, kasabay ng pagpapatuloy ng negosasyon para sa ASEAN-Canada Free Trade Agreement (ACAFTA), ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes (oras sa Canada).

“Prime Minister Carney and I reaffirmed our commitment to conclude the negotiations for a bilateral free trade agreement this year, as we also negotiate the Asean-Canada Free Trade Agreement. We also renewed our commitment to increase our bilateral trade, stand against economic coercion, and build a resilient supply chain,” ang pahayag ng Pangulo sa joint press statement kasama si Canadian Prime Minister Mark Carney sa Vancouver Convention Centre

(Muli naming pinagtibay ni Punong Ministro Carney ang aming pangako na tapusin ngayong taon ang negosasyon para sa isang bilateral na Free Trade Agreement, kasabay ng patuloy na negosasyon para sa ASEAN-Canada Free Trade Agreement. Pinagtibay rin namin ang aming pangako na palakasin ang kalakalan sa pagitan ng aming mga bansa, tutulan ang panggigipit sa ekonomiya, at bumuo ng matatag at matibay na supply chain.)

Nagkaroon ng one-on-one meeting sina Pangulong Marcos at Prime Minister Carney nitong Huwebes ng umaga, kung saan tinalakay ang patuloy na pag-unlad ng bilateral relations at future partnership.

Aktibong isinusulong ng Pilipinas at Canada ang negosasyon para sa isang bilateral na FTA, na pormal na sinimulan noong huling bahagi ng 2025.

Pinabibilis ng dalawang bansa ang mga pag-uusap upang maisakatuparan ang kasunduan ngayong taon.

Kasabay nito, nagpapatuloy rin ang negosasyon para sa isang komprehensibong Canada-Association of Southeast Asian Nations (Asean) Free Trade Agreement (ACAFTA).

Kabilang sa mga pangunahing inaangkat ng Canada mula sa Pilipinas ang mga electronics at machinery habang kabilang naman sa pangunahing ini-export ng Canada sa Pilipinas ang mga mineral ore, karne, mga cereal, piyesa ng aerospace, at mga pataba.

PH, Canada lumagda sa mga kasunduang palakasin ang ugnayan ng 2 bansa

Samantala, sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr. at Canadian Prime Minister Mark Carney nitong Huwebes (oras sa Canada) ang paglagda sa ilang mahahalagang kasunduan na magpapalawak at magpapalalim ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Canada.

“I am also glad to have witnessed today the signing of bilateral understandings and declarations of cooperation in the areas of energy, and natural resources, cooperation, tourism, culture, and labor and migration,” pahayag ni Pangulong Marcos sa joint press statement kasama si Prime Minister Carney sa Vancouver Convention Centre.

(Ikinalulugod ko ring masaksihan ngayong araw ang paglagda sa mga bilateral na kasunduan at mga deklarasyon ng kooperasyon sa larangan ng enerhiya, at natural resources, turismo, kultura, labor at migration.)

“These agreements will help us harness the strong people-to-people ties between our two countries, as we jointly build capacities and create a mutually beneficial talent pipeline for the future.”

(Makakatulong ang mga kasunduang ito upang higit pang mapalakas ang ugnayan ng mamamayan ng ating dalawang bansa, habang sama-sama nating pinalalawak ang ating kakayahan at lumilikha ng talent pipeline na kapaki-pakinabang para sa magkabilang panig sa hinaharap.)

Kabilang sa mga nilagdaang dokumento ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) ng Pilipinas at Department of Industry ng Canada para sa kooperasyon sa turismo, gayundin ang MOU sa pagitan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Department of Canadian Heritage para sa Cultural Cooperation.

Nilagdaan din ang Joint Declaration of Intent Concerning Energy and Natural Resources Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Canada, at ang Joint Declaration of Intent sa pagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Citizenship and Immigration ng Canada hinggil sa kooperasyon sa larangan ng paggawa at migration. | PND

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -