29 C
Manila
Sabado, Hulyo 4, 2026

VP Sara namahagi ng tulong sa RIICE

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte ang isinagawa nilang pamamahagi ng tulong sa Relief for Indigents and Individuals in Crises and Emergencies  (R.I.I.C.E) sa Cotabato City. Narito ang kanyang pahayag.

Ipinagdiwang natin ang ikatlong anibersaryo ng Office of the Vice President–Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Satellite Office (OVP–BARMM SO), kasama ang mga senior citizen, persons with disabilities, solo parents, at mga mangingisda sa komunidad noong nakaraang buwan.

Sa ating pakikipag-usap sa kanila, hinikayat natin ang lahat na patuloy na ipagdasal ang mga apektado ng malakas na lindol sa Mindanao at maging alerto at handa.

Nanawagan din tayo sa mga magulang na palaging ipaalala sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng edukasyon, na makatutulong upang maputol ang siklo ng kahirapan.

Panghuli, hinikayat natin ang lahat na panatilihin ang respeto sa kabila ng ating mga pagkakaiba sa relihiyon, kasarian, at iba pang aspeto, na magdadala naman sa atin sa kaunlaran.

Hilabihan ang akong kalipay nga subling nakabisita sa BARMM ug nakauban tamong tanan. Daghang salamat sa inyong mainiton nga pagdawat kanamo ug sa inyong padayon nga suporta.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -