25 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 7, 2024

Mahalagang papel ng business licensing officers sa ekonomiya, kinilala ni Sen Tolentino

- Advertisement -
- Advertisement -

KINILALA  ni Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang mahalagang papel na ginagampanan ng Business Permits and Licensing Officers (BPLOs) sa paglago ng ekonomiya ng mga lungsod, munisipalidad, at probinsya.

Sinasalamin din umano ng BPLOs ang sinseridad ng lokal na pamahalaan para pairalin ang isang patas at masiglang larangan para sa pamumuhunan at negosyo, dagdag ni Tolentino.

Ito ang buod ng talumpati ni Tolentino sa 7th National Association of Business Permits and Licensing Officers (NABPLO) convention na ginanap sa Okada Manila noong Martes.

“Hindi lang sinusukat ang pag-iisyu ng business license sa bilis, kundi maging sa pagiging patas nito,” pahayag ni Tolentino sa mga dumalo sa pagtitipon, na binubuo ng 600 BPLOs mula sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa buong bansa.

Dagdag n’ya: “Bilang business licensing officers, tungkulin n’yong protektahan ang interes ng publiko. Dapat n’yong balansehin ang pagiging mabilis sa paniniguro na iginagalang ng mga negosyo ang kapakanan ng konsyumers, kalikasan, at lipunan.”

Kung patas ang pagturing ng BPLO sa lahat, tiniyak ni Tolentino na tutungo ito sa isang matatag at masiglang ekonomiya.

Inihalimbawa ni Tolentino ang Tagaytay – kung saan sya nanilbihan bilang alkalde – na nakilala bilang isang masiglang komunidad para sa pamumuhunan at pagnenegosyo.

Ibinahagi n’ya na ang pag-unlad ng Tagaytay ay hindi naging madali, kundi idinulot ng pagsisikap, sakripisyo, at mga inobasyong isinagawa ng lokal na pamahalaan.

Mula sa dalawang restaurants at isang hotel noong unang nanungkulan bilang alkalde si Tolentino, umabot sa mahigit 300 ang mga negosyo sa Tagaytay nang matapos ang kanyang termino.

Ipinagmalaki rin nya kung paano lumago ang maraming homegrown businesses ng Tagaytay hanggang sa makilala ang mga ito sa ibang mga lokalidad, kabilang ang Metro Manila.

Bilang pagtatapos ay nangako si Tolentino na isusulong ang isang panukala na opisyal na kikilala sa posisyon ng BPLOs sa ilalim ng Local Government Code.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -