TINANGGAP ni Vice President Sara Duterte si Dato’ Seri Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi, Deputy Prime Minister at Minister of Rural and Regional Development ng Malaysia sa Office of the Vice President Central Office sa Mandaluyong City.
Sa kanilang pagpupulong, binigyang-diin ng Deputy Prime Minister ang kahalagahan ng regional cooperation sa pagtugon sa mga hamon na dulot ng illegal drug trafficking, partikular na sa maritime nations.
Tinalakay rin ng Bise Presidente ang disaster risk reduction at pagpapalitan ng mga makabagong ideya kaugnay ng technical-vocational education training (TVET).
Binigyang-diin rin ng Bise Presidente ang hakbang ng Pilipinas sa pagtugon sa climate change, at ang programang PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign ng OVP na naglalayong makapagtanim ng isang milyong puno sa buong bansa.
Nagtapos ang pagbisita sa muling pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia, at sa patuloy na pakikipagtulungan ng dalawang bansa.