SA patuloy na pagpapauwi ng mga overseas Filipino worker mula sa Lebanon, nangako si Helath Secretary Ted Herbosa na susuportahan ang pagbibigay ng libreng medikal na konsultasyon at psychological first aid sa mga OFW at kanilang mga dependent na dumating mula sa mas matinding sigalot sa pagitan ng Israel at Hezbollah. Nakatakda ring i-accommodate ng mga ospital ng Department of Health (DoH) ang mga OFW nang walang bayad para sa admission at follow-up consultations.
May kabuuang 45 OFW mula sa Lebanon ang dumating sa NAIA Terminal 1 sa pamamagitan ng voluntary repatriation program ng gobyerno.
Pinangunahan ni Secretary Herbosa, kasama si Health Emergency Management Bureau (HEMB) Director Bernadett Velasco at National Center for Mental Health (NCMH) ang post-arrival assistance, at tiniyak ang suporta sa mga OFW.
Kinikilala ng DoH ang pangangailangang suportahan ang parehong pisikal at mental na pangangailangan sa kalusugan ng mga OFW habang sila ay nabubuhay sa isang estado ng patuloy na takot sa gitna ng hidwaan sa pagitan ng Hezbollah at Israeli Defense Forces.
Halaw mula sa Facebook page ng Department of Health