MAHIGIT P650,000 na halaga ng ayuda ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa halos 1000 na pamilya sa Albay na naapektuhan ng pag-ulang dala ng Bagyong Kristine at ng lahar mula sa Bulkang Mayon.
Sa tulong ng Coast Guard at lokal na pamahalaan, umabot din ang pre-positioned relief sa mga binahang lugar sa Camarines Sur.