30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

SIRM: Hindi sakuna ang papatay sa ‘tin, kundi kawalan ng aksyon

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG tugon sa mga sakuna tulad ng Bagyong Kristine, inihain ni Senator Imee Marcos ang Senate Bill No. 186, na naglalayong lumikha ng National Resiliency and Disaster Management Authority. Ang nasabing ahensya ay tututok sa paghahanda, pagbibigay ng maagang babala, pagtugon, at pagbangon ng mga komunidad matapos ang kalamidad.

“Kung mayroon tayong sentralisadong awtoridad para sa disaster management, agad nating matutukoy ang mga pinakamahinang lugar at makapaghahanda tayo nang maayos laban sa mga kalamidad,” ani Senadora Marcos, na nanawagan para sa isang ahensyang tututok sa pamamahala ng mga sakuna.

Binigyang-diin ni Marcos ang kawalan ng maayos na paghahanda at koordinasyon sa mga lugar na madalas tamaan ng sakuna, tulad ng Bicol. “Ang Bicol ay nakaharap ‘yan sa Karagatang Pasipiko, may aktibong bulkan, at nakakaranas ng maraming banta ng kalamidad. Bakit walang naitatag na synchronized national response?” tanong ng senadora.

Idinaing ng mga nasalanta ng Bagyong Kristine ang kawalan ng kuryente at sapat na genset sa kanilang lugar, pati na ang kakulangan ng mga lifeboat na nagdudulot ng pagkaantala sa pamimigay ng malinis na tubig at pagkain.

Ayon sa ulat, mahigit 4.2 milyong katao ang naapektuhan, at halos kalahating milyong Pilipino ang nawalan ng tirahan, karamihan sa kanila ay nasa mga evacuation center.

Binanggit ni Marcos na ang pagbuo ng isang sentralisadong ahensya ay makatutulong para mas mabilis at maayos na matugunan ang mga sakuna. “Kung hindi pa kaya ng budget na magtayo ng malaking department, magsimula muna tayo sa isang ahensyang may sariling pondo, tauhan, at awtoridad. Ang mahalaga, ngayon na!” sabi ni Marcos.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -