PERSONAL na nakiramay si dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, Oktubre 29, 2024, sa mga pamilya ng mga biktima ng Bagyong Kristine na namatay mula sa pagguho noong Oktubre 24, 2024 sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.
Kasama niya ang pangkat mula sa Office of the Vice President’s Special Projects Division at Public Assistance Division para magbigay ng Burial Assistance para sa mga apektadong pamilya. Sumama rin siya sa Relief Operations ng OVP Disaster Operation Center sa iba’t ibang evacuation center sa Talisay at Laurel, Batangas.