30.1 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Kababaihan, mahalaga sa kapayapaan — Legarda

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING isinulong ni Senador Loren Legarda ang gender equality at itinulak ang pamumuno ng mga kababaihan upang maging mas inklusibo, makatao, mapayapa, at matatag ang mundo.

Sa kaniyang talumpati sa isang parliamentary roundtable sa International Conference on Women, Peace, and Security (ICWPS) sa Pasay, itinampok ng senadora ang mahalagang papel ng mga mambabatas sa pagbabago.

“In my almost three decades of legislative experience, I have realized that the road towards addressing the unique needs of women in conflict areas requires practical measures, in terms of resources and financing, and gender-responsive policies,” wika ng senadora noong Martes.

“This is what this conference is all about. It is about enriching and expanding our appreciation and understanding of the many ways we are all championing the rights and well-being of women and empowering them in all aspects of their participation in our societies, including as leaders in peace and security,” dagdag niya.

Sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng pagkakapasa ng UN Security Council Resolution 1325 on Women, Peace, and Security, ay magsisilbing host ang Pilipinas ng isang International Conference on Women, Peace, and Security (WPS) sa PICC, isang pangyayaring naging posible dahil sa suporta ni Senador Legarda.

Ang resolusyon, na ipinasa noong Oktubre 2000, ay nagpatibay sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa pag-iwas at pagsasaayos ng mga sigalot, negosasyon sa kapayapaan, pati na ang humanitarian response at post-conflict reconstruction.

Pinahalagahan rin ang importansiya ng partisipasyon ng lahat sa pagpapanatili ng peace and security.

Dahil may nasa 90 na mga ministro at 158 na mataas na opisyal ng pamahalaan ang nagkumpirma na pupunta sa Pilipinas, nagpahayag ng pag-asa si Legarda na ang mga mambabatas ay maisulong ang inisyatibong Women, Peace, and Security (WPS) at maalis ang mga balakid sa pagbuo ng isang mas ligtas na hinaharap.

“With focused legislation that promotes gender equality and gender-responsive budgeting, we can build better foundations for women’s leadership in conflict prevention, resolution, and recovery,” ani Legarda.

“As lawmakers, we have the responsibility not only to create these enabling legal frameworks but also to ensure their sustained implementation, and to amplify this commitment nationally, regionally, and globally.”

Nagsulong si Legarda ng mahahalagang batas upang iangat ang karapatan ng mga kababaihan tulad ng unang Anti-Trafficking in Persons Act sa Timog-Silangang Asya, ang pinalawig na bersiyon nito, pati na ang Magna Carta of Women, Anti-Violence Against Women and Children Act, the 105-Day Expanded Maternity Leave Law, at ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) Law, na nagpapaunlad ng kabuhayan sa nayon para sa mga kababaihan doon. Higit pa rito, sa kaniyang iniakdang Climate Change Act, ay nagmamandato ng representasyon mula sa kababaihan sa Climate Change Commission upang matiyak ang gender-responsive na polisiya sa klima.

Pinanindigan ng Pilipinas ang papel nito bilang isang kampyon sa gender equality, sa pamamagitan ng mga batas na inihain ni Legarda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -