27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

LGUs sa Cagayan, nagpatupad ng forced evacuation dahil sa bagyong Marce

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPATUPAD na ng forced evacuation ang mga lokal na pamahalaan na kasalukuyang binabayo ng bagyong Marce.

Ayon sa Pagasa, mabagal ang galaw ng bagyo kayat inaasahan na magiging tuloy-tuloy ang buhos ng ulan at hangin sa malaking bahagi ng Cagayan, Babuyan Group of Islands at Batanes kaya dapat maagap ang paglilikas sa mga nasa delikadong lugar.

Sa Calayan at northern part ng mainland Cagayan ay marami na ang inilikas sa mga evacuation center.

“Nag-iikot ikot na kami para i-forced evacute ang mga hindi pa nakaka-evacuate dito sa adjacent barangays namin,” pahayag ni Charles Castillejos, MRRM Officer III ng Calayan.

Sa ulat ng Office of the Civil Defense Region 2, nasa halos 4,000 pamilya na binubuo ng mahigit 10,000 katao ang isinailalim sa preemptive at forced evacuation sa Cagayan at Batanes.

Dahil inaasahan din ang multiple landfall ng bagyong Marce sa bahagi ng Northern Cagayan at Babuyan Group of Islands, nakatutok ngayon ang local DRRMVs sa maaring epekto nito lalo na sa mga coastal communities ng Cagayan.

Siniguro naman ni DSWD Regional Director Lucia Alan na may sapat na relief goods at non food items na handang ipamahagi kung sakaling magkulang ang mga naka-preposition sa iba’t-ibang bayan sa mga lugar na apketo ng bagyo.

“Sa ngayon meron tayong stockpiles sa iba’t-ibang warehouses natin. na kung saan handa po nating dalhin door or ipick up ng mga lagus kung kianakilangan on top of the preposition goods na nandoon na po sa bawat LGU,” pahayag ni Alan.

Sa ngayon, nakahanda rin ang lahat ng mga gagaimitin sa mga ilikas na mga pamilya dito sa lungsod ng tuguegarao dahil inaasahan ang muling pag-apaw ng tubig baha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan

Nagtayo narin ng community kitchen ang city DRRMC para sa mga rescue teams and volunteers na nagsasagwa ng evacuations. (OTB/PIA Region 2)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -