27.8 C
Manila
Huwebes, Enero 16, 2025

The Twelve Days of Christmas

- Advertisement -
- Advertisement -

Juan, ang ganda naman ng pinapatugtog mo. Paborito ko yan!

Talaga, Uncle? Twelve Days of Christmas yan. Gusto ko din yan.

Naalala ko tuloy nung bata ako. Kinakanta namin yan sa caroling. Masayang kantahin yan.

Sa Inyo, Uncle, ano ang gusto nyo sa twelve days of Christmas? Ano ang kahulugan nyan sa Inyo?

Naisip ko nga, Juan, na ang pangarap ko para sa ating lahat ay maging financially literate tayo, dagdagan natin ang kaalaman natin tungkol sa mga financial na aspeto ng ating buhay at gawin talaga natin ang natutunan natin para maging mas matatag at matibay ang pundasyon ng ating financial na pamumuhay.


Kaya, ito ang Twelve Days of Christmas ko para sa ating mga Pilipino.

On the first day of Christmas, sana may savings plan ka at sundin mo ang formula na Kita – Ipon = Gastos. Unahin ang pag-iipon kesa sa paggastos.

On the second day of Christmas, sana may life insurance coverage ka na katumbas ng anim na taon mong income. Lalo na kung ikaw ay nagsisimula pa lang magpamilya, mahalaga na meron kang life insurance para sa proteksyon ng iyong pamilya kung sakaling may mangyari sa iyo.

On the third day of Christmas, sana may Emergency Fund ka na katumbas ng anim na buwan mong kita para may bubunutin ka kapag may mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng pagkakasakit o ano pa mang emergency.

- Advertisement -

On the fourth day of Christmas, sana may hinuhulugan kang retirement plan para sa pagtanda mo, meron kang savings na susuporta sa mga pangangailangan mo at maiwasan mong umasa sa ibang tao. Magandang may naitatabi ka sa SSS, GSIS o sa iba pang private pension plan.

On the fifth day of Christmas, kung ikaw ay retired na o may edad na,  sana may estate plan ka na magbibigay ng order o kaayusan sa mga puwede mong maiwan na kayamanan o kabuhayan sa iyong pamilya. Magkonsulta sa mga professional na financial advisors. Kadalasan kapag walang estate plan, dahilan ito ng pag-aaway, inggitan o confusion sa mga kapamilya.

On the sixth day of Christmas, sana matuto kang mag-invest sa mga legitimate na negosyo, financial at real estate assets. Iwasan ang mga scams, sugal at iba pang hindi tamang gawain o pagkakakitaan. Walang nananalo sa mga ganitong paraan.

On the seventh day of Christmas, sana pangalagaan mo ang iyong trabaho o negosyo kasi sa hirap ng buhay ngayon, mahirap mawalan ng trabaho o pagkakakitaan. Marami ang umaasenso sa pagtratrabaho ng mahusay at sa tamang pag-uugali at gawain.

On the eight day of Christmas, sana huwag mong ilubog ang sarili sa pagkakautang, lalo na sa paggamit ng credit card. Mag-budget ng mga gastusin. Kung hindi pa kayang bilhin, huwag pilitin. Sikaping bayaran ang mga utang sa pinakamadaling panahon.

On the ninth day of Christmas, sana meron ka ding education plan para sa mga anak. Sa ngayon, hindi na katulad ng pre-need education plan ng unang panahon. Ang mga insurance companies ay merong education investment plans na mas safe at secure na mapapakinabangan mo pagdating ng araw.

- Advertisement -

On the tenth day of Christmas, sana maayos ang pagtago mo ng lahat ng dokumento ng iyong mga financial o real estate assets. Irecord mo nang maayos at kung may safety deposit box ka sa bahay o vault sa bangko, mas maigi. Dapat may kopya ka ng record na ito na alam ng iyong anak, kapatid o kapamilya na mapagkakatiwalaan kung saan kukuhanin kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa iyo.

On the eleventh day of Christmas, sana mas maging generous ka, lalo na kung magaan naman ang iyong buhay, sa iyong mga magulang na sigurado akong labis ang magiging kaligayahan sa iyong pagmamahal.

On the twelfth day of Christmas, sana manatili ang pananalig mo sa Panginoon at mas maging grateful ka pa sa lahat ng biyayang pinagkaloob Niya sa yo. Mahal ka ni Lord.

O, Juan, yan din ang wishes ko sa yo ngayong Kapaskuhan. Patotohanan mo yan ha!

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -