SA cabinet meeting nitong Martes, Enero 7, 2024, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensya na muling bisitahin ang National Expenditure Program (NEP) upang maibalik ang pondo para sa mahahalagang proyektong pang-kaunlaran.
Tiniyak naman ng Department of Transportation (DOTr) sa miting na “on time” pa rin ang implementasyon ng flagship projects ng pamahalaan para palakasin ang transportation sector ng bansa.
“We have to reexamine so that the programs that we wanted – that we put in the NEP — can somehow be restored,” sabi ng Pangulo sa ika-18 Cabinet Meeting sa Malacañang.
“For the rest of the departments, I need you to give me the priorities – the things that we prioritized in the NEP that were removed in terms of budgeting, in terms of appropriations,” dagdag pa ng Pangulo.
“So, what are those? In each department, what are those that are absolutely critical to the socioeconomic program as we delivered to the Congress? Paano natin ibabalik kasi critical ‘yung mga program na nawala,” sabi niya.