INAANYAYAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Tesla na magtayo ng pabrika ng electric vehicles sa Pilipinas para sa mas sustainable na transportasyon at pagpapalakas ng lokal na trabaho.
Sinabi ito ni Pangulong Marcos matapos makibahagi sa paglulunsad ng Teslaโs Center sa Pilipinas, bilang bahagi ng suporta sa layunin ng gobyerno na magkaroon ng 50% market share ng mga electric vehicle (EV) pagsapit ng 2040.
Binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act, na nagtanggal ng excise taxes sa mga battery electric vehicles, at ang Executive Order No. 62, na nag-aalis ng taripa sa mga EV at charging stations hanggang 2028. Ayon sa Pangulo, ang mga ito ay magpapalakas sa lokal na industriya ng EV at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Para sa mas detalyadong impormasyon, basahin ang https://pco.gov.ph/mLz0HN