27.3 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Sumahimpapawid na, programang DOLE at your Service sa Bagong Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

INILUNSAD ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pinakabago nitong teleradyo program, “DOLE at Your Service sa Bagong Pilipinas,” noong Enero 10, 2025, sa Radyo Pilipinas (RP1), ang opisyal na istasyon ng Presidential Broadcast Service – Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS).

Kinatawan ni Department of Labor and Employment – Bureau of Local Employment (DOLE-BLE) Director Patrick Patriwirawan Jr. (babang larawan) si DOLE Secretary Bienvenido Laguesma (itaas) na naghatid ng kanyang prerecorded message sa unang episode ng “DOLE at Your Service sa Bagong Pilipinas” radio program sa PIA Bldg., Quezon City noong  Enero 10, 2025. (Kuha ni Ali Creo/DOLE-IPS at screenshot ng Radyo Pilipinas Livestream)

Layunin ng programa, na mapapanood tuwing Biyernes mula 3:00pm hanggang 4:00pm at muling ipapalabas tuwing Linggo ng 1:30 AM sa RP-World Service, na bigyan ang publiko ng mga nauugnay at napapanahong impormasyon sa mga patakaran at programa sa paggawa. Nakatuon ito sa pagtugon sa mga mahihirap na isyu sa paggawa at pagbibigay solusyon sa mga manggagawang Pilipino at naghahanap ng trabaho.

Sa prerecorded message ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, na ipinalabas sa nasabing programa, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng inisyatiba na ilapit ang mga programa ng kagawaran sa mga manggagawang Pilipino.

“Kasama ang PBS, ang programa ay magbibigay-linaw sa mga kaganapan at sasagot sa mga katanungan na nais iparating ng ating mga kababayan, lalo na ang ating mga manggagawa, gayundin ang mga namumuhunan,” pahayag ni Laguesma.

Inanyayahan din niya ang publiko na makinig linggu-linggo, at kanyang sinabi na, “Samahan ninyo ang DOLE sa pagtalakay at pagbibigay ng solusyon sa mga isyu at usapin sa larangan ng paggawa.”

Pinamunuan nina DOLE Bureau of Local Employment Director Patrick P. Patriwirawan, Jr. at Radyo Pilipinas Broadcast Station Manager Rey Sampang, tinalakay sa unang  episode ang mga pagsisikap ng DOLE na suportahan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho mula nang ipinagbawal ng pamahalaan ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) at Internet Gaming Licensees (IGLs).

Itinampok ng DOLE ang mga hakbangin tulad ng job fair kung saan ibinahagi sa episode ang kuwento ng tagumpay ng ilang manggagawang nawalan ng trabaho na na-hired-on-the-spot. Nagsasagawa rin ang kagawaran ng profile ng mga manggagawang nawalan ng trabaho upang tukuyin ang mga benepisyaryo para sa tulong-pangkabuhayan sa ilalim ng pinalawak na programang tulong nito.

Ibinalangkas ang radio program sa tatlong bahagi na idinisenyo upang makapagbigay impormasyon at makibahagi ang mga nakikinig: DOLE News Updates na nagbibigay ng mga pinakabagong patakaran at programa ng kagawaran; Program in Focus na nagtatampok ng malalalim na talakayan na may mga live interview mula sa mga resource person; at ang DOLE Public Service na sumasagot sa mga katanungan ng mga netizens at mga nakikinig sa programa.

Inilunsad ang programa matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng DOLE at PBS-BBS noong ika-27 ng Disyembre 2024, kung saan isinapormal ang kanilang samahan sa pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa mga programa ng pamahalaan para sa mga manggagawa at employer.

Sa pamamagitan ng platapormang ito, umaasa ang DOLE na higit na mapaunlad ang pakikipag-ugnayan at kalinawan sa pagtugon sa mga usapin sa paggawa alinsunod sa bisyon ng Bagong Pilipinas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -