27.3 C
Manila
Biyernes, Marso 28, 2025

Gatchalian: Bicam report ng ‘National Education Support Personnel Day Act’ niratipikan na ng Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang bicameral conference committee report sa National Education Support Personnel Day Act (Senate Bill No. 2872 at House Bill No.4896), isang panukalang batas na ayon kay Senador Win Gatchalian ay pagkilala sa mahalagang papel ng mga non-teaching personnel.

Larawan mula sa Facebook page ni Senator Win Gatchalian

Layon ng panukalang batas na ideklara ang Mayo 16 bilang National Education Support Personnel Day na magiging isang special working holiday. Isasabay ang pagdiriwang na ito sa World Education Support Personnel Day na nagaganap din tuwing Mayo 16.

“Ang pagdiriwang ng National Education Support Personnel Day Act ay isang simpleng pagpupugay sa ating mga non-teaching staff o mga education support personnel. Kung wala ang mga education support personnel na nagsisilbing mga kuya at ate sa ating mga paaralan, hindi natin makukumpleto ang paghahatid ng mga mahahalagang serbisyong kinakailangan ng ating mga mag-aaral,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education.

Kabilang sa mga education support personnel ang mga nasa teaching-related o non-teaching positions sa mga pribado at pampublikong paaralan. Kabilang dito ang mga teaching assistant, registrar, librarian, doktor, nurse, schools division counselor, school counselor, school counselor associate, guidance counselor, psychologist, clerk, at iba pa.
Pangungunahan ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang paghahanda at pagpapatupad ng mga taunang aktibidad para sa pagpapatupad ng National Education Support Personnel Day.

Sa kasalukuyan, may mahigit 107,000 na non-teaching staff sa DepEd, samantalang may mahigit 63,000 education support personnel sa mga state universities and colleges.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -