27.9 C
Manila
Linggo, Abril 27, 2025

𝐊𝐖𝐅, 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐭𝐮𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐧/𝐊𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐯𝐚𝐨 𝐎𝐫𝐢𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGSAGAWA ang Komisyon sa Wiklang Filipino (KWF), sa pamamagitan ng Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas, ng saliksik para sa korpus at mga katutubong kaalaman katuwang ang mga Kagan/Kalagan noong Pebrero 19–23, 2025 sa Banaybanay, Davao Oriental.

Bahagi ang proyektong ito ng Korpus at Glosaryo ng mga Katutubong Kaalaman na naglalayong matipon ang pasalitang datos at iba’t ibang karunungan ng mga katutubong pangkat ng bansa. Bago ang pananaliksik, nagkaroon ng lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan (MOA) noong  Pebrero 19 ang KWF, pangkat na Kagan/Kalagan, at Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (NCIP).

Lumagda para sa Kagan/Kalagan ang kanilang overall datu na si Edris Mamukid at kinatawan naman ni Atty. James Ian Generale ang NCIP. Naging matagumpay ang tatlong araw na saliksik na nilahukan ng mga elder at IP youth ng Kagan-Kalagan. May 681 termino ang nakalap na may kinalaman sa iba’t ibang larang at aspekto ng pamumuhay ng mga Kagan-Kalagan.

Nása antas na di-ligtas ang wikang Kagan/Kalagan na sinasalita sa Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, at Davao del Sur, kung kayâ, maaaring ituring na rin na nanganganib na wika (endangered language).

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -