30 C
Manila
Biyernes, Mayo 23, 2025

Pahayag ni Sen Villanueva sa Enactment Republic Act No. 12124

- Advertisement -
- Advertisement -

LUBOS po tayong nagagalak sa pagsasabatas ng Republic Act No. 12124 o ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act na magagamit ng ating mga kababayan para sa career advancement at career development. Ang pagsasabatas ng ETEEAP Act ay isang tagumpay po para sa sektor ng edukasyon at labor sa bansa.

Nagpapasalamat tayo kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagkilala sa kahalagahan ng ETEEAP Act gayundin sa ating mga kapwa mambabatas maging kay Senate President Chiz Escudero na nagbigay ng pagkakataon na pangunahan ang pagsulong ng panukalang batas na ito sa Senado.

Titiyakin po ng ETEEAP na ang mga kasanayan, kaalaman, at karanasang natamo sa lugar ng trabaho ay kikilalanin at isasalin sa mga academic credits, at sa huli ay magbibigay-daan sa pagkamit ng Bachelors Degree.

Ito po ay magbubukas ng mga bagong pinto para sa pag-angat sa karera at tutulong sa maraming Pilipinong maagang nasabak sa pagtatrabaho na magpatuloy sa pag-aaral nang hindi kailangang lumiban o huminto sa pagtatrabaho.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -