MATAGUMPAY na inilunsad ng Philippine Commission for Women (PCW) ang taunang selebrasyon ng National Women’s Month noong Marso 5, 2025, sa Music Hall, SM Mall of Asia. Ang temang dala ng pagdiriwang ngayong taon, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas” ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng kababaihan sa pagtataguyod ng mas inklusibo at progresibong bansa.

Kabilang sa mga lumahok sa makabuluhang okasyong ito ang iba’t ibang organisasyon at ahensya ng gobyerno, kabilang ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), na aktibong nakibahagi sa programa sa pamamagitan ng paglatag ng kanilang mga serbisyo at inisyatiba para sa maralitang kababaihan.
Hindi nagpahuli ang PCUP sa pagpapakita ng suporta sa National Women’s Month na siyang pinangunahan ni National Focal Person for GFPS, Jesse Wilvic Jacildo kasama ang mga kinatawan sa Office of the Chairperson na sina Amihan Adriano, Karla Aurora Sapno, Maryjoy Mae Padrones at Jomari Quilaton, naroon din si Klarck Kent Constantino mula sa Field Operations Division for NCR.
Sa mismong araw ng selebrasyon, naglatag ito ng mga programa at serbisyo na naglalayong ipabatid sa publiko ang kanilang adbokasiya para sa kababaihang nasa sektor ng maralita. Marami rin ang aktibong nakilahok sa kanilang interactive mini-game, kung saan hinulaan ng mga kalahok ang pangalan ng mga natatanging Pilipina na nagbigay-daan sa pagsusulong ng karapatan at pagkilala sa kakayahan ng bawat Pilipino.
Bukod dito, tampok sa programa ang iba’t ibang talakayan na may layuning bigyan ng dagdag-kaalaman at proteksyon ang mga kababaihan, kabilang ang:
• “Smart Budgeting for Every Juana” na inihatid ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
• “Click Wisely, Juana! Stay Safe in the Digital World” mula sa Complaints and Investigation Division ng Legal and Enforcement Office, National Privacy Commission
Malugod ding pinasinayaan ni PCW Chairperson Ms. Ermelita V. Valdeavilla ang PCUP service booth, kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na alamin ang iba’t ibang programa at serbisyo ng Komisyon para sa maralitang kababaihan.
“𝘕𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘗𝘊𝘞 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘣𝘪𝘯𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘴𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘥𝘣𝘰𝘬𝘢𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘨 𝘒𝘰𝘮𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘪𝘩𝘢𝘯 [𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯] 𝘴𝘢 𝘶𝘳𝘣𝘢𝘯 𝘱𝘰𝘰𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴… 𝘢𝘴𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘱𝘰 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘪𝘴𝘢 … [𝘬𝘢𝘮𝘪] 𝘴𝘢 … 𝘪𝘯𝘪𝘴𝘺𝘢𝘵𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘭𝘢𝘭𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘢𝘨𝘶𝘺𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘰𝘱𝘰𝘳𝘵𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘮𝘶𝘯𝘪𝘥𝘢𝘥.” pahayag ni Chairperson Sabili sa kick-off ng NWMC



