NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senadora Risa Hontiveros sa pagtakas ng mg puganteng Koreano kamakailan.
“Kumpirmado nga ang CCTV: hindi lang basta nakatakas ang puganteng Koreano mula sa Bureau of Immigration, sadya siyang pinatakas,” sabi ni Sen. Hontiveros.
“Kahit naaresto na siya ulit, nakakabahala na kung hindi pa pala natin isiniwalat sa publiko ang impormasyon ng pagtakas nitong pugante ay baka hindi pa nagkaroon ng manhunt.
“This is symptomatic of the failures and offenses of the BI in handling erring foreign nationals. Mukhang hindi mawala-wala ang kultura ng korapsyon sa ahensya.
“We will pursue this at the next Subcommittee hearing. Ipapa-subpoena ko ang mga CCTV footage, kasama na ang CCTV sa loob ng Pegasus, dahil posibleng doon nagkaroon ng transaksyon,” dagdag pa niya.
“Commissioner Viado should ensure that BI officials involved in this shameful incident be imposed the strictest penalties, including criminal liability under Article 223 of the Revised Penal Code. Magkaroon naman sana ng konting hiya itong mga kawani ng gobyerno.”