27.9 C
Manila
Linggo, Abril 27, 2025

Cayetano nanawagan na aksyunan muna ang mga kaso sa bansa bago sa ICC

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Alan Peter Cayetano sa gobyerno na pag-isipang mabuti ang posisyon ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC), partikular sa paghawak ng mga hukuman dito sa bansa – lalo na ng Supreme Court – ng mga malalaking kaso bago makialam ang ICC. “Please consider this carefully. Kung mag-issue uli ang ICC ng arrest warrants, I honestly ask you to allow the defendants to go to court. The safer option kasi is they go before Philippine courts kasi kapag nandoon na sa ICC, wala nang rewind. Wala nang remedy dito,” apela ni Cayetano kay Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla sa pagdinig nitong April 10, 2025 ng Foreign Affairs Committee sa ICC case ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Larawan mula sa Facebook page ng Senate of the Philippines

Paliwanag kasi ni Cayetano, dahil walang supreme court na sumasaklaw sa buong mundo, wala nang kontrol ang Pilipinas kapag umabot na sa ICC ang isang kaso at hindi na natin pwedeng gamitin ang sarili nating batas o magdesisyon ayon sa ating legal na sistema. “My problem is walang World Supreme Court so there’s only the ICC and the appellate courts. Unlike kung dito filed sa judiciary natin, then we can come up with our interpretation. Whether the ICC has jurisdiction or not would have been considered under Philippine law and President Duterte would have been able to present his case, not only on jurisdiction issues but also on whether or not there is probable cause (in his crimes against humanity case),” sabi niya.

Dagdag ng senador, dapat tiyakin nating sa Pilipinas muna dadaan ang mga kaso ni Duterte na nagdulot ng kanyang pagka-aresto at pagsuko sa ICC kahit hindi pa tapos ang proseso at desisyon ng Korte Suprema. “We can argue back and forth, but the reality is nandoon na sa ICC si President Duterte. But [this appeal] is for future cases, whether it’s Senator Bato (Ronald dela Rosa) and for others named (in the case),” aniya. Ayon kay Cayetano, kapag ginawa ito, magkakaroon ng mas malinaw na gabay sa batas at masisigurong mananatili sa ating sariling sistema ng hustisya ang mga kaso – ayon sa ating Saligang Batas at mga proseso sa hukuman.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -