30.9 C
Manila
Martes, Mayo 6, 2025

VP Sara nakiisa sa Buwan ng Kaligtasan sa Land Transportation

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGBIGAY ng mensahe ang Office of the Vice President (OVP) sa paggunita ng Land Transportation Safety Month. Layunin ng buwang ito ang pagpapalakas ng kamalayan sa kahalagahan ng kaligtasan sa lansangan para sa lahat ng motorista, pasahero, at pedestrian.
Bilang bahagi ng adbokasiyang ito, patuloy na isinusulong ng OVP ang mga programa tulad ng Libreng Sakay, na hindi lamang nagbibigay ginhawa sa mga pasahero, kundi tinitiyak ding ligtas at maayos ang bawat biyahe.
Paalala: Maging maingat, disiplinado, at responsable sa kalsada—kaligtasan ng lahat ang nakasalalay. Narito ang pahayag ni Vice President Sara Duterte.
Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Noong taong 2021, mahigit 11,000 na Pilipino ang nasawi dahil sa aksidente sa kalsada. Karamihan sa kanila, mga pedestrian, motorista, siklista, at pasahero ng traysikel. Marami sa mga biktima ay kabataang edad 15 hanggang 29.
Ang road safety ay hindi lang trabaho ng traffic enforcers. Tungkulin ito ng bawat isang mamamayan, pribadong sektor, at pamahalaan.
Mga kababayan, sumunod tayo sa batas-trapiko. Gamitin ang tamang tawiran. Iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho o naglalakad. At i-report agad ang mga panganib sa daan. Simpleng disiplina, malaking ambag sa kaligtasan.
Sa pribadong sektor, siguraduhing may sapat na training ang mga drivers. Panatilihing maayos ang mga sasakyan. At seryosohin ang mga polisiya para sa kaligtasan. Hindi lang ang inyong empleyado ang napoprotektahan—pati ang bawat taong nasa kalsada.
Tungkulin naman ng gobyerno na panatilihing ligtas ang mga imprastraktura. Mahigpit na ipatupad ang batas trapiko. At palaganapin ang kaalaman tungkol sa road safety.
Ngayong Land Transportation Safety Month, magtulungan tayo para sa mas ligtas, mas maayos na biyahe para sa lahat.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines

https://www.facebook.com/share/v/1AfTYQxTFE

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -