28.5 C
Manila
Linggo, Hunyo 15, 2025

Gatchalian: Imbestigahan ang competitive landscape ng power industry para sa maaasahan, murang suplay ng kuryente

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian ng imbestigasyon ukol sa competitive landscape ng power industry ng bansa bilang bahagi ng pagsisikap na matiyak ang maaasahang suplay ng kuryente at mapababa ang gastos.

“Sa kabila ng mandato ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA) at ng Philippine Competition Act (PCA) na isulong ang kompetisyon sa mga industriya, ang sektor ng kuryente ay nananatiling kontrolado ng mga pangunahing business groups kaya nananatiling mataas ang halaga ng kuryente sa bansa,” sabi ni Gatchalian kasabay ng inihain niyang Senate Resolution 1353.

“Kung iilan lang ang kumokontrol sa industriya, paano natin masisiguro ang pinakamurang kuryente?” pagdidiin niya.

Sinabi ng vice chairperson ng Senate Energy Committee na ang kasalukuyang market share distribution at cross-ownership sa pagitan ng generation companies, retail electricity suppliers, at distribution utilities ay maaaring makaapekto sa kapakanan ng mga konsyumer dahil maaaring pigilan ng economic concentration ang kompetisyon o manipulahin ang mga panuntunan ng tinatawag na free market.

Ang Pilipinas, aniya, ang may pangalawang pinakamataas na residential rate sa mga miyembrong ekonomiya ng Association of Southeast Asian Nations na may P11.32 kada kilowatt-hour (kWh) o 40.4% na mas mataas kaysa sa ASEAN average na P6.75 kada kWh.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -