SA nakaraang panayam sa Kapihan sa Senado, sinagot ni Senator Risa Hontiveros ang posibilidad ng pagkakaroon ng independent bloc sa Senado dahil sa pagkapanalo nina Sen. Bam Aquino at Sen Kiko Pangilinan. Narito ang bahagi ng transcript ng kanyang panayam.
Q: Ngayong na-elect si Sen. Bam Aquino at Sen. Kiko Pangilinan, ano ang inaasahan natin sa 20th Congress? Bukod sa dalawa, may madadagdag pa kaya sa oposisyon?
SRH: Kung may madadagdag sa kasalukuyang minority bloc eh di baka pwede na kaming mag-vie para sa Minority bloc sa 20th Congress din.
Pero magiging interesante talaga ang pag-organisa ng Senado. Bukod po sa amin nina Sen. Kiko at Sen. Bam, baka may iba pang mga colleagues dito sa Senado na mag-vie, hindi lamang siyempre para sa Senate President, pero pati para sa minority bloc.
Kung ano man, yung maging final organization dito sa Senado, basta ang importante sa akin ay may manatiling isang pole, isang poste, isang center of gravity na patuloy na mag-check and balance, patuloy na mag-fiscalize. independent bloc. At yun po yung mga pinag-uusapan namin nina Senator Kiko at Senator Bam mula noong nakaraang taon.
And work in progress pa rin po yun kung ano yung magiging decision po namin and final shape namin dito sa Senado.
Q: Ma’am, yung Duterte bloc, kini-claim din nila na oposisyon sila. So, ano po yun? Magkakaroon kaya ng dalawang klase ng oposisyon sa Senate?
SRH: Magandang tanong yun. Kung sinasabi nilang oposisyon sila, senyales na naghahanda silang mag-vibe para maging minority bloc or minority dito sa Senado.
Kung makukuha nila yung label ng minority, may option pa rin po ako or kami kung mag-decision po kami na isang independent bloc na magpapatuloy talaga sa pag-check and balance, magpapatuloy sa pag-fiscalize, at pati sa labas ng Senado, magpapatuloy sa pagbubuo ng oposisyon – pareho sa Duterte at kina presidente.
Q: So, malabo magsama itong genuine oposisyon at saka itong Duterte bloc na nag-claim na oposisyon?
SRH: Well, wala po akong planong sumali sa isang Duterte bloc. Pwede pong lahat kaming mga colleagues dito sa Senado ay patuloy na makipagtulungan sa mga usapin ng common advocacies, ito man ay proteksyon sa kababaihan, ito man po yung iba pang binanggit kong priority legislative agenda pa rin sa huling dalawang linggo ng session ng 19th Congress, pati sa mga public services at utilities tulad ng tubig at saka kuryente at yung pagsugpo sa POGOs.
Pero sa mga usaping politikal, at usaping elektoral, ang pinakaimportante ay panatilihin, at lalo pang palawakin at lalo pang palakasin ang pole ng oposisyon.
Q: Meron ka bang balita, may mga nag-aaspire na ba, at nakikipag-communicate sa inyo para kuhanin ng suporta?
SRH: Well, yung mga nababalitaan ko ay pareho sa mga nababalitaan ninyo at ibinabalita rin ninyo sa amin at sa ating lahat. And of course, that will be a matter for the majority to decide. Okay.
Q: Ma’am, would you be interested in the minority leadership? Ikaw mismo yung mag-Minority Leader?
SRH: Of course, yun naman yung pangarap ng alin mang minority of an outgoing Congress, lalo na kung nakapagpanalo ng mga dagdag na kaalyadong senador, halimbawa, ay magbuo pa rin ng minority sa susunod na Kongreso.
But as in everything sa pag-organize ng Senate, it’s a matter of numbers. So kung, ayun, itutukoy ng majority yung Senate President, posible na yung ibang bloke na may susunod na pinakamalaking bilang ng miyembro ay i-claim nila yung minority. Kahit ganun ang mangyari, may plan B pa rin naman ako, which is the independent bloc.
Q: Ma’am possible na sa 20th Congress, tatlong bloc magkaroon sa Senate, minority, majority at independent na?
SRH: Posibleng-posible or highly probable. Or sigurado. Kasi kahit siguradong may mabubuong majority, siguradong may mabubuong minority, at least, yeah, at least those two. So, yun sigurado. And probable, kung ibang bloke ang makakuha ng title ng minority, maging independent. Magkakaroon talaga ng independent bloc.
Pagbuo ng mas malakas na hanay
Q: Ma’am, sabi nyo, in the next nine months, hahamigin nyo yung forces ninyo. So, does that mean, in the next nine months, ay palalakasin nyo na rin yung 2028 slate niyo na rin yung 2028 slate mo? At makakaasa kami na, ano ba, magdedecide kayo kung sinong frontrunner ninyo?
SRH: Baka hindi pa yung slate per se, baka hindi pa frontrunner, kasi syempre somewhere up the road pa yan. Pero, palagay ko kung magtatagumpay kami in the next nine months na pag-isahin yung lahat ng mga puwersa namin, then patuloy na tataas yung level of confidence sa isa’t isa, and pati yung level of confidence sa isa’t isa.
And pati yung level of confidence and comfort going into a selection process, somewhere up the road pa. Siguro many months pa or a few years from now, pero at least mas magkakapalagayan ng loob.
Q: What’s with the next nine months? Bakit kailangan nyo doon palakasin yung pwersa nyo? Do you feel most powerful since ang ganda nga ng resulta po ng election po nitong midterms, kaya kailangan i-combine nyo na yung forces nyo as early as possible?
SRH: I do feel na mas nakapag-accumulate kami ng kahit konti pang mas maraming kapangyarihan sa ngayon as affirmed, as validated, nung ating mga botante. So yung hindi namin na-maximize na pagkakataon nung 2022 na mag-consolidate, we have that rare second chance now.
And bakit ba nine months? Ewan ko, baka dahil panahon ng pagbubuntis. So, magbuntis kami ng ganito, and sa pagkatapos ng siyam na buwan, manganak kami ng isang mas malakas pa, mas consolidated, at mas may potential na oposisyon.
Q: So, dun sa nine months, ma’am, i-coconsider nyo yung mga lesson na natutunan nyo nung tumakbo si VP Leni sa pagkapresidente? Marami ba kayong natutunan dun na lesson, yung mga shortcomings o kapalpakan?
SRH: Well, yung mga lessons namin nung 2022, medyo may pagka-anecdotal pa rin kasi hindi pa namin natapos yung evaluation process noon. At importanteng inputs yun. Pero mag-eevaluation process kami dito sa performance namin sa 2025 midterm elections. Para mas ma-internalize namin, mas ma-institutionalize din sa institutional memory ng oposisyon sa Pilipinas. At para ma-apply namin, matutunan namin at ma-apply namin sa mga susunod na electoral contests.
Q: Sino mga kasama nyo dun sa gagawing assessment na yan?
SRH: Well, lahat ito ay happening simultaneously. Yung pag-uusap sa aming tatlo nila, Sen Kiko at Sen Bam. Yung pag-reach out sa mga pwersa ng isa’t isa. So, yung mga partido namin. Yung pag-reach out sa iba pang mga allies. Yung pag-reach out sa mga kaalyado din sa iba’t ibang mga institusyon. May sariling proseso. Yung mga kasama sa house, gusto kong makapag-reach out sa mga kaalyado namin sa mga local government units at sa iba pang mga bahagi ng gobyerno na may mga kadiwa kaming nagtagumpay din.
Q: Ano daw yung mga committee chairmanship na inyong tatarget din sa 20th Congress?
SRH: Kung may committee chair pa ang at least independent bloc or optimally minority, of course. Gusto kong manatiling chair ng Women, Children, Family Relations and Gender Equality Committee. And I think sa mga susunod na taon din, lalong magiging importante yung mga komite na may kinalaman sa ating ekonomiya. Kasi doon talaga patuloy at lalong umaaray at projected na lalong aaray yung ating mga kababayan ang mga usaping pangkabuhayan.
Q: Hindi daw target ng grupo nyo yung Blue Ribbon at Agriculture Committee?
SRH: Wow, wish ko lang. Kung abogado lang ako, wish ko lang makapag-buy para sa Blue Ribbon. Eh talagang mao-optimize, mama-maximize sana namin yun. Yung agri, syempre, walang ibang subject area expert dyan sa buong Senado, kundi si Senator Kiko Pangilinan.
Q: Good morning, Senator Risa. I would just like to know how you would define minority. Is it, will there be a genuine minority, simple minority, real minority? How will you categorize that and how will they impact legislation, the impeachment proceedings? How will the dynamics be, ma’am?
SRH: Salamat. The dynamics have always been interesting. We can look back on many precedents ng genuine or real minority. Modesty aside, noong minority kami sa ilalim ni Senator Frank, noong anim kami, nung 17th Congress, naging apat kami, nung 18th Congress, still under Senator Frank.
And I’m very happy sa nakaraang tatlong taon namin bilang minority ni Minority Leader Senator Koko Pimentel. Kung saan tulad ng mga nakaraang minorities, nakapagtala din kami ng ilang mga tagumpay by leveraging our small number, by taking sharp positions on issues.
So itong papasok na 20th Congress, of course, minority naman, at the basic level, defined yan numerically. Kung sino yung nag-vye para sa Senate President, pero natalo, that’s one path, would take the minority leadership. Nababalitaan natin, merong ding blokeng ngayon na posibleng mag-vie for minority leadership by simple fact of their having the possibly second biggest number as of now. Siyempre lahat ng mga numbers na yun will be made of record on the floor only during the election.
So yun, and that’s why I said na kung may ibang bloke na makukuha yung title ng minority at hindi kami na galing sa opposition or independent forces, that’s why option yung independent block.
Yung usapin ng impeachment, of course, weighs heavily, as it did during the campaign, weighs heavily on paano oorganisahin ang Senado. So, yun, I think there are numerical but also substantive bases sa pagbubuo ng minority sa ngayon and our failing to get that title, at least an independent bloc. And importante, lalo na leading up to 2028.
Tungkol sa impeachment
Q: Ma’am, kahit na open nga si Presidente na makipag-reconcile, kina VP Sara sa mga Duterte, obligasyon nyo pa rin na ituloy itong impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte?
SRH: Well, obligasyon po ng Senado yan, batay sa Konstitusyon, dahil trinansmit ng House yung kanilang articles of impeachment sa amin and napansin nyo naman kahit during the campaign, may nasimulan lang ilang preliminary steps. Yung mga simpleng pagpapasukat para sa impeachment robes maya’t maya sumasagot si SP sa mga tanong ninyo tungkol sa impeachment. So, I expect that as a matter of course, ayon sa utos ng Konstitusyon, sisimulan na namin yung mga further preliminaries nitong susunod na sesyon.
Q: Pero with the new composition daw ng Senate, malaking chance na ma-acquit si VP Sara. Do you think so, ma’am?
SRH: I think tulad sa kasalukuyang komposisyon ng Senado, magiging pahirapan for either side. Ipaglalaban ang bawat boto because we have yet to hear even the first piece of evidence. At doon naman kami babatay at dapat bumatay. Oo, bilang senator judges na exercising neutrality. We have yet to hear the first voice of the first prosecutor to present the first evidence on the first article of impeachment. So, kumbaga, nasa genesis pa lang tayo.
Q: So, kahit it is a political process, you’re hoping na ibase ng mga kasamahan niyo yung kanilang boto depende sa ebidensya na maipepresenta, ma’am.
SRH: Yun yung dinedemand ng Constitution sa amin. And sa Senate, we always presume good faith on the part of each other. So yung ugali ko, yun din yung inaasahan ko sa mga colleagues.
Q: Speaking of the impeachment, nag-declare si Vice President Sara Duterte ang gusto daw niya, bloodbath. Anong naging dating sa inyo dito as one of the Senator judges?
SRH: Well, bilang Senator judge, wala naman sa bokabularyo ko para sa impeachment yung ganyang salita. But as I said, and I am committed just to have that neutrality demanded of judges, and in particular in the case of impeachment of Senator – judges.
I think very, like in a courtroom, very cold and clinical. Yung pagpresenta ng mga ebidensya, didinigin naming senator judges, yung mga prosecutors, whether from the house or private prosecutors, as the case may be. So, yun, magkaibang konteksto siguro yung pinag-uusapan sa ganyang salita. And for me, the only vocabulary that matters sa impeachment ay yung sinabi na rin dati ni SP, at sinasabi ko pa ulit-ulit, yung neutrality and yung pagiging senator-judge and voting on the basis of the evidence.