ANG Office of the Vice President (OVP) ay buong pusong sumusuporta at nagtitiwala sa lahat ng mga kapatid nating Muslim na lalahok sa 2025 Shari’ah Special Bar Examinations (SSBE) ngayong Mayo 25 at 28, 2025.
Ang SSBE ay isang special bar examination para sa mga nagnanais maging Counselors-at-Law ng Shari’ah, o ang sistemang ligal ng relihiyong Islam.
“Bi-ttawfeeq” (best wishes with Allah SWT’s divine guidance) sa lahat ng future Shari’ah Counselors-at-Law.
Nawa’y maging instrumento kayo sa pagkamit ng katarungan, kapayapaan, at kaunlaran sa Bangsamoro at sa buong bansa.