30.4 C
Manila
Lunes, Hunyo 16, 2025

Imee: Bye, neighbor’s WiFi! May abot-kayang internet na

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGIGING mas abot-kaya at mas maayos ang ‘internet’ sa Pinas dahil naipasa na sa wakas ang SBN 2699 o ang ‘Konektadong Pinoy Act’ sa senado at sa kongreso matapos ang matagumpay na bicam kahapon, ika-9 ng Hunyo.

Ang naturang panukalang batas ay pinangunahang inakdahan ni Senator Imee Marcos. Mensahe ng senadora, “Isang malaking hakbang ito para sa lahat–magkakaroon na tayo ng mura at maayos na internet!”

Pahabol pa ni Sen. Imee, “Hindi mo na kailangan pang makikonek sa WiFi ng kapitbahay para lang magawa ang mga school projects at assignments!”

Sa ilalim ng bagong batas, mapapasigla ang kompetisyon sa pagitan ng mga telco na magdudulot ng mas abot-kayang presyo at dekalidad na serbisyo. Benepisyo rin ng batas ang espesyal na diskwento para sa mga mag-aaral.

May karapatang narin ang mga konsumer na mag-terminate ng kontrata kung hindi maganda ang kalidad ng internet service. “Tama na ang tiis-ganda na internet!” ani ni Senator Imee.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -