29 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Bagong terminal sa Caticlan: Pangarap ng mga residente, turista

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinimulan na ang konstruksyon ng Caticlan Passenger Terminal Building—isang hakbang para gawing world-class ang paliparan ng Caticlan at palakasin pa ang turismo at kabuhayan ng buong Aklan, lalo na sa Boracay.

Larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office

“This is one step… the beginning of the journey, and that journey is to bring the Philippines once again to the forefront of the rest of the world.”

Ito ang hayag ni Pangulong Marcos Jr. sa groundbreaking ceremony ng Caticlan Passenger Terminal Building sa Nabas, Aklan, na layuning matapos sa 2027 sa tulong ng DOTr, CAAP, San Miguel Corporation, at Megawide Construction.

Binigyang-diin ni PBBM na makakatulong ang proyekto sa mas mabilis na pagpasok ng mga turista papuntang Boracay, na magdudulot ng mas maraming trabaho, kabuhayan, at pag-unlad sa lokal na ekonomiya.

Sa kapasidad na pitong milyong pasahero kada taon, maaasahang mapagagaan ng bagong Caticlan Passenger Terminal building ang pagbiyahe sa Boracay at buong Western Visayas pagdating ng 2027.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -