IPINALIWANAG ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang pagpapalakas ng Presidential Decree No. 1096 o ng National Building Code of the Philippines.
“Inaatasan natin ang DPWH at iba pang ahensya na magsagawa ng malawakang inspeksyon sa lahat ng gusali sa buong bansa sa loob ng tatlong taon upang matiyak ang pagsunod sa National Building Code.
“Mahigpit din ang karampatang parusa sa mga opisyal na maglalabas ng pekeng sertipikasyon: anim na taong pagkakakulong, habambuhay na diskwalipikasyon sa serbisyo publiko, at kanselasyon ng lisensiya.
“Sa harap ng lumalalang banta ng kalamidad, kailangan nating tiyakin na ligtas, matibay at maayos ang ating mga gusali.”



