32.3 C
Manila
Linggo, Hunyo 7, 2026

Pagsasapubliko ng buong budget process, pagsulong ng Right to Information, suportado ni Sec Pangandaman

- Advertisement -
- Advertisement -

SUPORTADONG-SUPORTADO ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang pagsasapubliko ng buong proseso ng paghahanda ng national budget hanggang sa ito’y maging ganap na batas o General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay Sec. Mina, ang bawat bahagi ng budget process —mula budget call, submission ng budget proposals ng mga ahensya sa DBM, budget deliberation sa both houses of Congress, hanggang sa mga pagdinig sa Bicameral Conference Committee (Bicam), at ang pormal na pagsasabatas ng panukalang national budget sa pamamagitan ng GAA— ay dapat maipaliwanag at maipakita sa publiko.

“Ang pagsasapubliko ng buong budget process— mula preparation hanggang Bicam report, until signing ng GAA, suportadong-suportado po namin ‘yan. Itinutulak po ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ang transparency at accountability kaya po isa sa mga unang executive order po ng ating Pangulo nung kanyang pag-upo ay ‘yung institutionalization ng Open Government Partnership,” saad ng kalihim.

Noong ika-20 ng Hunyo 2023, na-institutionalize ang PH-OGP sa pamamagitan ng Executive Order na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos. Isa itong konkretong hakbang na nagpapakita ng seryosong pagtutok ng administrasyon sa pagpapa-igting ng transparency, accountability, at pagpapalawig ng citizen participation sa gobyerno.

Samantala, unang araw pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang Kalihim ng DBM, isa sa mga isinusulong ni Sec. Mina ang pagkakaroon ng isang “open government”, o gobyernong bukas, tapat, at ingklusibo para sa lahat.

Bilang chairperson ng Philippine Open Government Partnership (PH-OGP), pinangungunahan din ng kalihim ang adbokasiyang mas mapalawak ang partisipasyon ng publiko sa pagbuo ng pambansang budget at mga polisiya ng gobyerno.

Noong Pebrero ngayong taon, matagumpay na idinaos sa Pilipinas ang Open Government Partnership Asia and the Pacific Regional Meeting. Dito ibinahagi ang iba’t ibang proyekto at inisyatibo na layong palakasin ang bukas na pamahalaan sa pamamagitan ng OGP Challenge.

Ilan sa mga lungsod sa bansa na aktibong kalahok sa OGP Challenge ay ang Quezon City, Baguio, Larena, Bula, Odiongan, at South Cotabato, na pawang nagsusulong ng local open government programs sa kani-kanilang komunidad.

Nanawagan din si Secretary Mina sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan, hindi lamang sa ehekutibo, kundi pati sa lehislatibo at hudikatura na makiisa sa kampanya para sa transparency at open government.

“Pagkalabas na pagkalabas po ng National Expenditure Program at lahat po ng libro na nakaakibat dyan, lahat po ‘yan on the day na isusubmit namin sa Kongreso, nakapost na ‘yan sa website namin. Makikita na po nila kaagad ‘yan. Ang hindi lang po nakikita ‘yung sa gitna [Bicam Conference Committee] kasi wala po kaming paraan para makita po with respect sa work ng Congress po,” dagdag ni Sec Mina.

“Kaya naman pabor din kami sa pagsasapubliko ng Bicameral Conference Committee proceedings, maging ang pagla-livestream nito,” ani Sec. Mina.

Kabilang din sa isinusulong ng Kalihim ang pagsasa-batas ng Right to Information (RTI) Bill sa Kongreso — isang panukalang batas na layong bigyang-lakas ang karapatan ng bawat Pilipino sa tamang impormasyon, upang makagawa ng matalinong desisyon at tunay na makilahok sa usapin ng bayan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -