NAKASAMA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Senador at “People’s Champ” Manny Pacquiao sa isang courtesy call nitong Huwebes, Agosto 28, 2025.

Iprinisenta ng People’s Champ sa Pangulo ang “Aztec Warrior” belt mula sa World Boxing Council (WBC) na iginawad sa kanya matapos ang kanyang laban kay Mario Barrios noong Hulyo 19 sa Las Vegas, Nevada. Tinalakay rin niya ang plano na idaos sa bansa ang ika-50 anibersaryo ng “Thrilla in Manila” sa Oktubre 2025.



