28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pulong sa pagpapatibay ng FSL, isinagawa ng KWF, NCNDO at NCNI

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagkatalaga ng bagong tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Atty. Marites Barrios-Taran, nakipagpulong ang Deaf Community sa pangunguna ng National Coordination Network of Deaf Organizations (NCNDO), at ang National Coordination Network for Interpreting (NCNI) sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Agosto 14, 2025 sa tanggapan ng Komisyon at Zoom platform.

Kasama sa pulong ang tatlong Lupong Tagapagpaganap na sina Atty. Taran, tagapangulo; Carmelita Abdurahman, komisyoner sa Programa at Proyekto; Benjamin Mendillo Jr., komisyoner sa Pangasiwaan at Pananalapi; at ang Yunit ng Filipino Sign Language (FSL) ng KWF.

Tampok sa pulong ang usapin sa pagpapatibay ng Yunit ng FSL kalakip ang ilan sa mga plano ng ahensiya kabilang na ang muling lagdaan ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng KWF, NCNDO at NCNI. Kasama rin sa binigyang-diin ng NCNDO at NCNI ang pagbuo sa Interpreting Standards.

Kabilang din sa mga napag-usapan ang tungkol sa International Day of Sign Languages na gaganapin ngayong Setyembre 2025.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -