MULA sa natapyas na DPWH budget para sa flood control, ilalaan na sa PhilHealth ang halagang PhP60B para sa pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan.

Ito ang anunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila. Dito, ininspeksyon ni PBBM ang maayos na patakbo ng Zero Balance Billing, at sinaksihan ang turn-over ng infant incubators at phototherapy light units mula sa Next Generation Advocate Foundation.



