27.9 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Gatchalian nanawagan ng mas mahigpit na proteksyon laban sa foreign espionage

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian ng isang batas na magpapalakas sa depensa ng Pilipinas laban sa pang-eespiya at foreign interference. Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na may mga sinasadyang pagtatangkang samantalahin ng mga banyagang grupo ang kahinaan ng bansa.

“Marami kasing nahuhuli, high-profile man o hindi, nakakalusot sa mga awtoridad. Ginagamit pa, halimbawa, ang late registration tulad ng nakita natin kay Alice Guo o Guo Hua Ping, at marami pang iba,” sabi ni Gatchalian.

Binigyang-diin din ng senador na anumang legislative amendments tungo sa pagpapalakas ng safeguards o proteksyon laban sa anumang foreign interference ay dapat nakatuon sa cybersecurity, lalo na’t kailangang i-update ito para sa makabagong panahon ng digitalization.

Tumitindi ang mga pangamba hinggil sa foreign espionage. Noong nakaraang taon, halimbawa, inaresto ang Chinese national na si Deng Yuanqing at dalawang Pilipino dahil sa sinasabing pag- eespiya sa mga mahahalagang lugar sa bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea. Noong nakaraang buwan lang, natuklasan ang isang pinaghihinalaang underwater drone na may Chinese label sa baybayin ng Palawan.

Sa ilalim ng kasalukuyang mga batas, ang pang-eespiya ay pinaparusahan sa ilalim ng Article 117 ng Revised Penal Code at Commonwealth Act No. 616. Ipinagbabawal ng mga batas na ito ang mga gawaing tulad ng paniniktik, hindi awtorisadong pagbabahagi ng sensitibong impormasyon sa mga foreign entities at iligal na pag-access sa mga military installations.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -