26.7 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Sen Raffy kinastigo ang FDA sa patuloy na bentahan ng unregistered na produkto sa merkado

- Advertisement -
- Advertisement -

KINASTIGO nang todo-todo ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang Food and Drug Administration (FDA) dahil sa pagiging sobrang tamad nito.

Sa hearing ng Senate Committee on Finance kung saan tinalakay ang proposed 2026 budget ng Department of Health kahapon Oct. 1, labis na ikinagalit ni Sen. Tulfo ang pagiging inutil ng mga advisories ng FDA.

Sa lahat ng kanilang advisories na nagbibigay babala sa publiko hinggil sa mga produkto na ibinebenta sa merkado na banta sa kalusugan ng mga consumers bukod pa sa wala itong FDA approval, wala silang ginagawang aksyon pagkatapos nito.

Isang halimbawa lamang ay ang ASGG GlutaGenC Glow Gummies (FDA Advisory No. 2024-1390) na marami sa mga nakabili raw nito ay nagkasakit at may bata pa ngang naging malubha ang kalagayan. Pumutok pa ang isyung ito sa mga primetime news pero sa kabila nito, makikita pa ring ibinebenta ang nasabing gummies sa shopee, mga online selling platforms at sa iba pang mga tindahan.

Depensa naman ng FDA, 890 lang daw ang kanilang plantilla employees kaya hindi nila kayang magampanan ang pagmonitor sa mga produktong ipinagbabawal nila.

Lalong kumulo ang dugo ni Sen. Raffy dahil sa palusot ni FDA Director-General Paolo Teston. Hirit ni Sen. Raffy, kahit isang tao ay kaya nang gawin ang monitoring tulad ng pagtatawag sa mga malalaking botika, tindahan at mga online marketplace platforms kung nagbebenta pa rin ito ng mga produktong ipinagbabawal nila.

Hinamon ni Sen. Raffy si Teston na sa susunod na budget hearing, kapag patuloy pa ring ibinebenta sa merkado ang mga produktong ipinagbabawal ng FDA, dapat magresign na siya dahil wala palang pakinabang sa kanya ang taumbayan.

Sinabi pa ni Sen. Raffy na malamang ay may nababayaran sa FDA nitong mga supplier ng produkto na ipinagbabawal nila kaya sila ay nagbubulag-bulagan na lamang.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -