NAGBIGAY ng pahayag si Vice President Sara Duterte tungkol sa ginawa niyang pagbisita sa nabiktima sa lindol sa Davao City.

“Ipinaabot natin ang ating taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng nasawing senior citizen sa Davao City matapos ang lindol na yumanig sa Davao Region noong Oktubre 10, 2025. Nawa’y bigyan ng kapanatagan ng Maykapal ang kanilang pamilya sa panahon ng pagdadalamhati.
“Kasabay nito, ipinaaabot din natin ang ating pagkalinga at pagdamay sa lahat ng naapektuhan ng lindol — maging sa mga nakaranas ng takot, pagkabalisa, o trauma.
“Mahalaga na bigyang-pansin hindi lamang ang pisikal na kaligtasan kundi pati ang kalusugang pangkaisipan ng bawat isa.
“Hinihikayat ko ang publiko na dumulog at sumailalim sa psychological first aid o lumapit sa mga trained professionals at local health offices upang matulungan silang maproseso ang kanilang karanasan at maibsan ang bigat ng kanilang nararamdaman.
“Patuloy din nating paalalahanan ang bawat isa na manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng mga awtoridad, at siguraduhing handa sa anumang aftershocks o iba pang posibleng sakuna.
“Mahalin natin ang Pilipinas — para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”



