26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Pinangunahan ni Sen Camille Villar ang pagdepensa sa 2026 budget ng DOST

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Senator Camille Villar, ang pinakabatang miyembro ng 20th Congress, ang pagdepensa sa proposed 2026 budget ng Department of Science and Technology (DOST) sa Senado kamakailan. Inirekomenda ang dagdag na pondo na ₱1.3 bilyon para matiyak na mas mapapalakas ang mga pangunahing programa ng ahensya, na binibigyang-diin na ang agham at teknolohiya ay mahalaga sa pagbuo ng isang future-ready na Pilipinas.

“Isa ang DOST sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng inklusibong pag-unlad dahil ito ang sumusuporta sa food at health security, nagpapalakas ng ating disaster resilience, at nagpapataas ng competitiveness ng ating industriya,” ayon kay Villar. “Bawat pisong inilalagay natin sa agham ay puhunan para sa pamilyang Pilipino—para sa mas ligtas na komunidad, matatag na kabuhayan, mas malalakas na industriya, at sa kabataang siyang huhubog ng ating kinabukasan.”

Si Villar, chairperson ng Subcommittee L ng Senate Committee on Finance, ay ilang buwan nang masinsinang nakatrabaho ang DOST para ihanda ang pondo. Pinangunahan niya ang deliberasyon at sinagot ang mga katanungan ng mga senador kaugnay ng mga programa ng ahensya.

Para sa Fiscal Year 2026, nakapaloob sa General Appropriations Bill ang pondo na nagkakahalaga ng ₱30.130 bilyon para sa DOST na sumusuporta sa Office of the Secretary at sa 18 attached agencies. Kabilang dito ang pag-boost ng pamumuhunan sa research, paghahanda sa klima at sakuna, digital advancement, regional science initiatives, pati na rin ang karagdagang suporta para sa mga science scholars bilang bahagi ng pagpapalakas sa kabataang Pilipino.

Kasama ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. at iba pang opisyal ng ahensya si Villar sa deliberasyon upang ipaliwanag ang mahahalagang programa at sagutin ang mga paglilinaw mula sa mga senador.

Matapos ang plenary discussions, ang 2026 DOST budget na inendorso ng Subcommittee “L” ay idineklarang submitted, hudyat ng pagtatapos ng huling yugto ng proseso ng Senate budget deliberation.

Muli ring iginiit ni Sen. Villar na ang tuloy-tuloy na pagsuporta sa agham at teknolohiya ay isa sa kanyang pangunahing adbokasiya dahil ito’y susi sa pagpapalakas ng mga komunidad, pagpapatibay ng kakayahang makipagkumpitensya, at pagbuo ng isang bansang tunay na handa sa hinaharap.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -