TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na sa kabila ng mga ingay sa politika, tuloy-tuloy ang trabaho ng pamahalaan at imbestigasyon sa maanumalyang flood control project kung saan pinapo-pokus ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang mga opisyal ng gobyerno na iprayoridad ang resulta at hindi drama.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na mananatiling propesyunal sa trabaho ang Palasyo na aktibong nakikipag-ugayan sa mga ahensya ng gobyerno para matukoy kung sino ang mga dapat na managot, mabawi ang mga ninakaw na pondo at maipatupad ang pangmatagalang solusyon sa sistema ng flood control.
“The mood in the Palace is still very much steady and focused. Work has not stopped, not a single day here,” pahayag ni Gomez sa isang panayam nitong Miyerkules.
“I know there’s a lot of political noise going on out there, but the President is very clear. We’re dealing with a very serious problem here of flood control and the accompanying scandal that surrounds it,” dagdag pa ni Gomez.
“The atmosphere in the Palace is professional. People are working, agencies are coordinating, and the President is clear. He wants results, not drama,” diin ng PCO Secretary.
Binigyang diin din ni Gomez na nakapokus ang administrasyon na mapanagot ang mga responsable sa anomalya at sa reporma sa sistema sa gitna ng umiiral na kaganapan sa politika.
“Our job is to bring to justice those who are responsible, recover the stolen wealth, and fix the system,” ayon sa PCO chief.
Una nang inilunsad ng Pangulo ang “Sumbong sa Pangulo” website para sa mga reklamo ng publiko at kalauna’y binuo ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nagrekomendang sampahan ng reklamo ang mga indibidwal na isinasangkot sa iskandalo.
Bukod dito, nagsampa rin ang Ombudsman ng kaso sa Sandiganbayan laban sa ilang iba pang personalidad na sabit sa isyu.
Giit ni Gomez, hindi madi-distract ang Pangulo sa kanyang tungkulin.
“He’s not blinking and he will see this through. He will finish this. At sabi nga ng ating Pangulo, sinimulan ko ito, tatapusin ko ito,” ayon pa kay Gomez. | PND



