26.6 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Gatchalian: P9B nakalaan sa ARAL Program sa ilalim ng 2026 budget

- Advertisement -
- Advertisement -

HALOS P9 bilyon ang inilaan ng 2026 national budget para palawakin ang pagpapatupad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program at mapaigting ang learning recovery, sabi ni Senador Win Gatchalian.

Ayon sa Middle of School Year Assessments ng Department of Education (DepEd), umangat ng humigit-kumulang limang puntos ang kahandaang bumasa o reading readiness ng mga mag-aaral mula Grade 3 hanggang Grade 6, samantalang umabot naman sa anim hanggang siyam na puntos ang inangat sa performance ng mga mag-aaral sa Grade 7 hanggang Grade 10.

Lumalabas din na 3.42 milyong mag-aaral mula Grade 3 hanggang Grade 6, at 1.72 milyong mag-aaral mula Grade 7 hanggang 10 ang malapit nang makamit ang grade-level reading proficiency.

“Bahagi ng makasaysayang pondong inilaan natin para sa sektor ng edukasyon ngayong taon ang buong suporta para sa pagpapatupad ng ARAL Program. Mahalagang hakbang ito upang masugpo natin ang krisis sa edukasyon na matagal na nating hinaharap,” ani Gatchalian, sponsor ng ARAL Program Act.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P8.96 bilyon ang inilaan sa ARAL Program upang magkaroon ng 440,000 tutors at matulungan ang 6.7 milyong mag-aaral para sa School Year 2026-2027.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -