UMABOT sa 30 oras ang Traslacion, pinakamatagal na prosesyon matapos ang 22-oras, 14-minutong record noong 2012.
Nakabalik ang Haring Poong Nazareno sa kanyang tahanan sa Quiapo church nang Sabado, 10:50 a.m. na nag-umpisa ng prosesyon ng 4 a.m., Biyernes.

Tinatayang 1 araw, anim na oras at 50 minuto ang itinagal ng Traslasyon.
Ayon sa Manila Public Informatiion Office (MPIO) umabot sa 7,337,700 ang lumahok sa Pista ng Poong Nazareno na nag-umpisa noong Enero base sa Accumulated Grand Total Drone Crowd Estimate ng Innovation Integrated GIS at Data Hub ng Manila Disaster Risk and Reduction Management Office (MDRRMO).
Ayon sa Manila Public Information Office (MPIO) bandang 4 a.m. ngayong Sabado, nakarating sa San Sebastián Church ang andas (karwahe) na naglalaman ng imahe ng Itim na Nazareno para sa “Dungaw,” kung saan ang mga imahe ng Nazareno at ng Our Lady of Mt. Carmel de San Sebastian ay “nagkita.”
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), sinabi ni Fr. Ramon Jade Licuanan, rector ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, na hindi muna uuwi ang imahe sa Quiapo Church.
Sinabi niya na umabot na sa 24 oras at 25 minuto ang Traslacion nang dumating sa San Sebastián at pagod na ang mga medical staff at mga tumutulong kung kaya’t kailangang magpahinga muna.
Subalit, ilang minuto lamang matapos ang announcement, at nang ipapasok na ang andas sa loob ng San Sebastián Church, ibinalik ng mga Hijos del Nazareno at mga deboto ang karwahe pabalik sa Quiapo Church.
Tinatayang 300,000 ang nagtipon-tipon para sa “Dungaw” sa Plaza del Carmen, ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

