28.4 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Mas mabilis at mas ligtas na biyahe mula Aparri hanggang Ballesteros, inaasahang magdudulot ng pag-unlad

- Advertisement -
- Advertisement -

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng 2.16-kilometrong Camalaniugan Bridge sa Cagayan, kung saan mula sa isang oras ay mapapabilis na ang biyahe sa humigit-kumulang 20 minuto na lamang para sa tinatayang 6,000 motorista araw-araw.

Binigyang-diin ng Pangulo na bukod sa mas maayos na transportasyon, magbubukas ang tulay ng mas maraming oportunidad sa trabaho, negosyo, agrikultura, at turismo, na magpapasigla sa lokal na ekonomiya ng Hilagang Luzon.

“I think this will serve as a model for many of the other bridge projects that we will be seeing around the country,” sabi ni Pangulong Marcos.

“At nakakatuwa dahil napakalaking bagay ang paglagay ng ganitong klaseng tulay dahil as all of you here are well aware, it cuts the travel time, imbes na umiikot ng napakalayo para tumawid ay nandito na ‘yung ating Camalaniugan Bridge,” dagdag ng Pangulo.

“I am sure na itong tulay na ito ay magbabago ang ekonomiya sa magkabila ng tulay na ito. Maraming mabubuksan, and this will give many opportunities in the surrounding areas, mabibigyan ng mga opportunities for new jobs, for new businesses, and I’m sure that you will feel the economic effects in a very, very short time,” sabi ng Pangulo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -