MASAYANG ibinalita ni Sen. Win Gatchalian na isang malaking tagumpay para sa energy security ng Pilipinas ang pagpayag ng Iran na makadaan nang ligtas ang mga oil tanker mula sa Strait of Hormuz patungo sa ating bansa.
Sabi ni Gatchalian, “Nanawagan tayo kamakailan na gamitin ang diplomasya upang matiyak ang ligtas na rutang pandagat, dahil ito ang pinakaepektibong paraan upang mapatatag ang ating suplay ng langis.
”Kinikilala natin ang maagap na pagkilos ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Energy (DOE) para maisakatuparan ang kasunduang ito.
“Nagbibigay ito ng pag-asa at kumpiyansa sa mga konsyumer na mababawasan ang epekto ng krisis sa ating ekonomiya.
”Umaasa tayo na makatutulong ang kasunduang ito upang matiyak ang sapat na suplay ng langis sa mga susunod na buwan.
”Sisikapin nating maisagawa ang mga panukalang contingency action plan ng Senate PROTECT Committee upang mapagaan ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan.”



