(Pinakahuling update)
MULING inorganisa ang mga chairmanship ng komite ng Senado kasunod ng pagbabago sa pamunuan noong Mayo 11 kung saan pinatalsik nina Sen. Alan Peter Cayetano at ng kanyang mga kaalyado sa minority bloc si Sen. Vicente Sotto III bilang pangulo ng Senado.

Kasama si Sen. Ronald dela Rosa at apat na miyembro mula sa mayoryang bloke ni Sotto ang tumulong kay Cayetano na makakuha ng 13 boto para gawin siyang pangulo ng Senado.
Si Dela Rosa, na pinaghahanap ng International Criminal Court (ICC) para sa mga krimen laban sa sangkatauhan (crimes against humanity) ay lumitaw matapos ang anim na buwang pagkawala sa Senado upang tulungan si Cayetano na makamit ang tagumpay. Ang mga nagdala ng “swing votes” ay sina Sen. Pia Cayetano, Loren Legarda, Camille Villar, at Mark Villar.
Ang mga sumusunod ang listahan ng mga komite at ang mga bagong chairman: Culture and Arts – Loren Legarda, Ways and Means – Pia Cayetano, Health – Bong Go, Higher, Technical and Vocational Education – Joel Villanueva, National Defense and Security – Jinggoy Estrada, Sports – Bong Go, Sustainable Development Goals – Pia Cayetano, Basic Education – Loren Legarda, Public Services – Rodante Marcoleta, Public Information and Mass Media – Robin Padilla, Cultural Communities and Muslim Affairs – Robin Padilla, Games and Amusement – Jinggoy Estrada, at Energy – Pia Cayetano. Ang pamumuno sa mga pangunahing komite tulad ng Blue Ribbon, na nag-iimbestiga sa mga anomalya sa gobyerno, at Pananalapi ay hindi pa naitatalaga.
Ayon sa mga bali-balita, si Sen. Pia Cayetano, ang nakatatandang kapatid na babae ng Senate president, ang papalit kay Sen. Panfilo Lacson, bilang Blue Ribbon Committee chairman.
Mayroong 41 komite ng Senado na hahatiin sa parehong bloke ng mayorya at minorya. Gayunpaman, kaugalian na italaga ang mga itinuturing na pangunahing komite sa grupo ng mayorya. Ang tinatawag na “hindi gaanong mapanghamong” komite ay karaniwang ibinibigay sa mga senador sa grupong minorya.
Nauna rito, itinalaga ang mga sumusunod na lider:
* Senate President Alan Peter “Kuya Alan” S. Cayetano inihalal na bagong Senate President
* Sen. Loren Legarda bilang Senate President Pro Tempore
* Sen. Joel Villanueva bilang Acting Majority Leader
* Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa inihalal bilang chairperson of the Committee on Public Order and Dangerous Drugs
* PMGen. (Ret.) Mao Aplasca bilang Acting Senate Sergeant-at-Arms
Inaprubahan din ang mga sumusunod at itinampok ang ilang mga gawain:
* Approval ng Senate Bill No. (SBN) 1894 o Ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act sa ikatlong pagbasa
* Approval ng SBN 1966 o ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program Act sa ikatlong pagbasa
* Sen. Dela Rosa isinailalim sa Senate protective custody
* Privilege speech ni Sen. Raffy Tulfo sa mga tumataas naChronic Kidney Disease
* Privilege speech ni Sen. Win Gatchalian sa lumalalang problema sa basura
* Pagtanggap ng Articles of Impeachment laban may Vice President Sara Duterte
* Hearing ng Committee on Health and Demography sa DOH’s Health Facilities Enhancement Program
* Hearing ng Committee on Foreign Relations sa visiting forces agreements sa Canada at New Zealand, at Asean Treaty on Extradition
* Miting ni Senate President Cayetano sa mga opisyal at mga committee secretary ng Senado
Halaw sa ulat ng The Manila Times at Facebook page ng Senate of the Philippines

