SA bisa ng 13 boto, pormal nang itinalaga si Senador Sherwin “Win” Gatchalian bilang bagong Senate President.
Nailuklok si Gatchalian sa pinakamataas na posisyon sa Senado matapos sumama ni Sen. Joel Villanueva bloc ni Senator Gatchalian sa isinagawang special session nitong Miyerkules, Hunyo 17, 2026.
Si Villanueva ay dating nasa majority bloc ni Senador Alan Peter Cayetano na dumalo sa sesyon at ibinoto si Gatchalian bilang bagong Senate President.
Zubiri kaagad inihalal si Gatchalian
Inihalal ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri si Gatchalian bilang Senate president habang pinuri ang mga kwalipikasyon ni Gatchalian.
“Siya ang senador na laging nagsasara ng Senado,” sabi ni Zubiri.
Dagdag pa niya, “He’s the leader that the Senate needs in this time of division and disarray, and he has done this before. I know he’ll be able to rise above the fray and lead us back to our principal function, which is to attend to the work of legislation,”
Gatchalian nagpasalamat kina Villanueva, Escudero
Sa post ni Sen. Gatchalian sa kanyang Facebook page, pinasalamatan niya sina Sen. Villanueva at Sen. Escudero.
“Taos-puso tayong nagpapasalamat kay Senator Joel Villanueva. Ang kanyang pagdalo sa special session ang nagbigay-daan sa Senado na maipagpatuloy ang gawain nito.
Hindi madali ang desisyong iyon, ngunit pinili niyang unahin ang institusyon at ang taong-bayan. Kaya ngayon, sama-sama na tayong kikilos bilang isang Senado, alang-alang sa bansa,” sabi ni Gatchalian.
Dagdag pa niya, “Kinikilala rin natin ang paninindigan ni Senator Chiz Escudero. Ang kanyang pagpasok sa sesyon noong June 3 ang nagsimula ng prosesong humantong sa araw na ito. Kung wala iyon, hindi magiging posible ang nangyari ngayon. Iyon ang klase ng paninindigan na kailangan sa oras ng krisis — ang pagpili ng tungkulin.”
Lacson pinuri sina Escudero at Villanueva dahil sa pagtugon sa mas mataas na panawagan
Bago ihain ang kanyang mosyon upang italaga si Sen. Vicente Sotto III bilang Senate President Pro Tempore, binigyang-diin ni Lacson na ang mas mataas na panawagang ito ay nakahihigit hindi lamang sa personal at pampulitikang ugnayan kundi maging sa pansariling interes.
“I think I will be remiss of my duty and responsibility as a senator, colleague, and friend, if I didn’t thank and commend our two distinguished colleagues, Senator Chiz Escudero and Senator Joel Villanueva, for responding to their higher calling for this chamber, our beloved institution known as the Philippine Senate. Higher than their friendships. Their affiliations. And every individual member of this body. Even higher than themselves,” aniya.
Nahalal si Lacson bilang chairman ng mga Senate Committee sa Accounts, Public Order and Illegal Drugs, at Ways and Means.
Sa kanyang manifestation, inilagay ni Lacson sa rekord na kusa at sinadya niyang isuko ang pagiging chairman ng Blue Ribbon Committee dahil sa dalawang pangunahing dahilan: “Number one, I am tired of losing old friends and creating new enemies. And number two, there are other colleagues who are equally, if not more qualified than this humble representation to take on the job.”
Sen Bam Aquino: Nabura na ang pagdududa sa liderato ni Sen Gatchalian
“Nabura na ang anumang pagdududa sa liderato ni Senate President Gatchalian sa tulong ng 13 boto. Subok na ang kanyang kakayahan, na lalo niyang pinagtibay nang pangunahan niya ang pagbuo ng 2026 national budget. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, siguradong magtatrabaho ang Senado para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” wika ni Senator Bam Aquino.
Mga senador ng minorya, dumalo sa special session
Senators Pia Cayetano, Loren Legarda, at Camille Villar nakipagkamay at bumati sa bagong halal na si Sen Win Gatchalian noong hapon ng Senate special session.
Dumating din sa session hall ng Senado sina Sen. Rodante Marcoleta, Sen. Christopher ‘Bong’ Go at Sen. Imee Marcos para sa plenary session ng Commission on Appointment.
Pangako ni Gatchalian
Samantala nagpasalamat si Gatchalian sa tiwala na ipinagkaloob sa kanya. Narito ang kanyang post sa kanyang Facebook page matapos siyang mahalal na bagong Senate President.
“Ang pagkakataong maglingkod bilang Senate President ay isang malaking karangalan. Kasabay nito ang panawagang maging huwaran sa paglilingkod araw-araw.
“Higit sa lahat, ang tungkuling ito ay pananagutan — sa Senado, sa ating Saligang Batas, at sa sambayanang Pilipino.
“Naririnig natin ang panawagan ng taong-bayan. Malinaw ang mga dapat unahin: mga batas at hakbang na tutugon sa pinakamabibigat na problema ng bansa.
“Kabilang dito ang mataas na presyo ng bilihin, epekto ng lindol sa Mindanao, banta ng Super El Niño, at iba pang usapin.
“Iisa ang inaasahan ng taong-bayan: malasakit, aksyon, at resulta.
Nananawagan tayo sa lahat ng Senador, mayorya man o minorya, na magtulungan sa pagharap sa mga hamong ito.
“Alam ng buong Senado ang panawagan ng mamamayan: magtrabaho ang Lehislatura, tugunan ang mga problema, at unahin ang kanilang pangangailangan.
“Ang nais natin ay isang Senado para sa tao. Senado na handang makinig, bukas sa pakikipag-usap, at nakatuon sa solusyon.”