MULING inihain ni Rep Leandro Legarda Liveste ang House Bill No. 9915 upang ibaba ang Value Added Tax (VAT) mula 12% tungong 10%. Narito ang kanyang post sa kanyang Facebook account.
“Para ibaba ang VAT mula 12% tungong 10%, inihain ko ang House Bill No. 9915, alinsunod sa panawagan ng ating mga kababayan.
“Nagmungkahi ang gobyerno ng mahigit ₱400 bilyon na karagdagang gastos, mula ₱6.79 trilyon sa 2026 tungo sa ₱7.2 trilyon sa 2027. Sa halip na dagdagan ang gastos, pwede nating ibaba ang VAT ng 2% para makatipid ng ₱250 bilyon o ₱9,000 kada pamilyang Pilipino.
“Naghain ako ng unang panukala para ibaba ang VAT noong 2025, na nakakuha ng suporta mula sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD), ngunit hindi pa ito naipapaboto sa Kongreso. Muli kong inihahain ang panukalang ito, at umaasa akong may mga paraan pa para maaprubahan ito.”






