SA pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinimulan ngayong araw sa Alaminos, Pangasinan ang Sky Garden project, isang elevated park at viewing deck kung saan matatanaw ang Hundred Islands National Park at iba pang natural landscapes.
Sa groundbreaking ceremony, inihayag ni PBBM na bahagi ito ng pagpapaigting ng turismo sa rehiyon, katuwang ang mga proyekto gaya ng Mangatarem–Sta. Cruz Road, TPLEX Extension at Dagupan-Mangaldan-Calasiao Circumferential Road Project.