27.8 C
Manila
Lunes, Hulyo 7, 2025

PBBM umaming ‘incomplete’ ang grade niya sa unang taon

- Advertisement -
- Advertisement -

INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kahit marami nang nabago at nagawa ang kanyang administrasyon sa unang taon ng kanyang panunungkulan ay kulang pa rin ito. Marami pa rin, aniya, na dapat gawin.

Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na paglulunsad ng Kanegosyo Center ng Cebuana Lhuillier sa Paranaque City kahapon, Huwebes. LARAWAN MULA SA PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE

“I saw a report earlier this morning where one of the economists said the grade that I will give for the President is incomplete. I agree with him. We are not done,” (“May nakita akong report kaninang umaga kung saan sinabi ng isa sa mga ekonomista na hindi kumpleto ang grade na ibibigay ko para sa Presidente. Sumasang-ayon ako sa kanya. Hindi pa tayo tapos,”) sabi ng Pangulo.

Ito ang naging pahayag ng Pangulo sa ginanap na media interview sa paglulunsad ng Kanegosyo Center ng Cebuana Lhuillier sa Paranaque City noong kahapon, Huwebes.

Binigyang diin ng Pangulo na kailangan nilang mabago ang halos 40 taon napabayaang sektor ng agrikultura.

“There are many, many things that we still need to do. We have to undo 30, 35, almost 40 years of neglect when it comes to the agricultural sector. And the agricultural sector still occupies the most fundamental part of our economy,” (“Maraming, maraming bagay na kailangan pa nating gawin. Kailangan nating i-undo ang 30, 35, halos 40 taon ng kapabayaan pagdating sa sektor ng agrikultura. At ang sektor ng agrikultura ay sumasakop pa rin sa pinakapangunahing bahagi ng ating ekonomiya,” paliwanag ng Pangulo na kasalukuyang kalihim din ng Departmen of Agriculture.

Para sa Pangulo, ang katuparan ng kanyang mga ipinangako noong siya ay nangangampanya pa lamang ay “work in progress” pa kaya binigyan niya ang sarili ng gradong “incomplete” sa unang taon ng kanyang panunungkulan ngayong Hunyo 30.

Sinabi din niya na ang kanyang administrasyon ay marami pang programa at mga proyekto na magpapababa ng implasyo sa bansa.

“We are still fighting with inflation.(Nakikipaglaban pa rin tayo sa implasyon.) Talagang yan ang isa sa panay na pinaka-malaking problema na kinakaharap natin. Lahat ng maaari nating gawin ay ginagawa natin para hindi masyadong mahirapan ang ating bayan,” pahayag ng Pangulo.

“So it’s never enough. Whatever it is that we have managed to do, there is still a great deal more to do. We have to work smart, and we have to work well, and we have to be very conscious,” (“Kaya hindi ito sapat. Kung ano man ang nagawa natin, marami pa tayong dapat gawin. Kailangan nating magtrabaho nang matalino at maayos, at kailangan nating maging mulat,”) dagdag ng Pangulong Marcos Jr.

Sa naunang panayam, sinabi ng Pangulo na marami siyang gagawing pagbabago sa Department of Agriculture (DA) bago siya bumaba bilang kalihim nito, para siguraduhin ang food security sa bansa. Iniulat din niya na simula nang umupo siya bilang kalihim ng Agrikultura ay nakapagpatupad na siya ng maraming mahahalagang pagbabago para matugunan ang mga isyu ng sektor ng agrikultura.

“You know, the truth of the matter is…we have really managed to make some very important structural changes in the Department of Agriculture. So, iniisa-isa natin ‘yan. The problem had been during the beginning of this year ay naging crisis lahat ng food supply, food prices, lahat fertilizer prices, et cetera,” (“Alam ninyo, ang katotohanan ay…nagawa natin talagang gumawa ng ilang napakahalagang pagbabago sa istruktura sa Kagawaran ng Agrikultura. So, iniisa-isa natin ‘yan. Ang problema ay nariyan na nang mag-umpisa ang taon ay naging krisis lahat sa supply ng pagkain, presyo ng mga pagkain, lahat ng mga presyo ng mga pataba at iba pa,”) pag-amin ng Presidente.

Ayon sa Pangulo, nais niya na magkaroon ng maayos na sistema ang Kagawaran ng Agrikultura upang makatiyak ng seguridad ng pagkain bago siya umalis sa ahensya.

Nais ng Pangulo na kapag umalis siya sa DA ay una, may sistema na para may kasiguraduhan ang supply ng pagkain; ikalawa, magagarantiyahan na ang presyo ay mura; at ikatlo, ang mga magsasaka ay may magandang buhay.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -